Ilang paaralan sa Muntinlupa City at Cavite, binisita ni Education Secretary Angara sa pagbubukas ng klase

Binisita ni Education Secretary Sonny Angara ang ilang paaralan sa Muntinlupa City at Carmona, Cavite ngayong araw. Unang pinuntahan ng kalihim ang Carmona National High School at Carmona Elementary School sa Cavite upang tiyakin ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase. Nagkaroon din ng maikling forum si Secretary Angara kasama ang mga opisyal… Continue reading Ilang paaralan sa Muntinlupa City at Cavite, binisita ni Education Secretary Angara sa pagbubukas ng klase

Dagdag na pondo sa pagpapatayo ng mga classroom at pagbili ng dagdag na textbooks, pasok sa 2025 National Expenditure Program

Kabuuang P29.3 billion na pondo ang ilalaan para sa pagpapatayo ng Basic Education Facilities sa ilalim ng panukalang 2025 national budget. Sa budget message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinabi niya na ang pondong ito ay gagamitin para sa pagpapatayo ng dagdag na 6,000 eskuwelahan sa buong bansa. Kasama rin sa pinondohan ang pagtatatag… Continue reading Dagdag na pondo sa pagpapatayo ng mga classroom at pagbili ng dagdag na textbooks, pasok sa 2025 National Expenditure Program

Clearing operations sa Lungsod ng Marikina, puspusang isinagawa matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Carina

Tuloy-tuloy ang isinasagawang clearing operation sa Lungsod ng Marikina na lubhang napinsala ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang puspusang paglilinis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, volunteer groups, at mga residente sa paglilinis at pagsasaayos ng… Continue reading Clearing operations sa Lungsod ng Marikina, puspusang isinagawa matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Carina

DHSUD, suportado ang planong housing project sa Nueva Vizcaya

Ikinakasa na ng Lokal na Pamahalaan ng Bayombong sa Nueva Vizcaya ang pagtatayo ng proyektong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan na sa pagitan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at Bayombong LGU para… Continue reading DHSUD, suportado ang planong housing project sa Nueva Vizcaya

Mahigit 800 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina –DepEd

Mahigit 800 na mga paaralan sa buong bansa ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase ngayong araw dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Carina. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), aabot sa 841 na mga paaralan ang apektado mula sa NCR, Region 1, Region 3, Region4-A, at Region 7. Pinakamarami na… Continue reading Mahigit 800 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina –DepEd

Dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo, present sa pagdinig ng Senado ukol sa mga operasyon ng POGO

Nagpatuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa. Sa kanyang opening statement, sinabi ni Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros na hindi pa nila maisara ang pagdinig na ito dahil hindi pa ganap na natutukoy kung sino-sino ang mga dapat na managot sa mga… Continue reading Dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo, present sa pagdinig ng Senado ukol sa mga operasyon ng POGO

Pagpapatupad ng blended learning, dapat pang palakasin – DepEd Sec. Angara

Naniniwala si Education Secretary Sonny Angara na malaki ang maitutulong ng blended learning upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na sa panahon ng mga kalamidad tulad ng pag-ulan at pagbaha. Sa kaniyang pag-iikot sa mga paaralan ngayong araw, binigyang-diin ni Secretary Angara ang kahalagahan ng pagpapabuti sa blended learning upang hindi… Continue reading Pagpapatupad ng blended learning, dapat pang palakasin – DepEd Sec. Angara

House appropriations Committee Chair, tiniyak na masusing hihmayin ng Kongreso ang panukalang pambansang pondo

Maraming ikokonsidera ng Kamara oras na simulan ang pagtalakay sa panukalang pambansang pondo para sa taong 2025 ayon kay House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co. Kasunod ito ng pormal na turnover ng DBM ng 2025 National Expenditure Program sa Kamara ngayong araw. Paalala ng mambabatas hindi lang basta financial plan ang NEP bagkus ay magsisilbing… Continue reading House appropriations Committee Chair, tiniyak na masusing hihmayin ng Kongreso ang panukalang pambansang pondo

Higit ₱6-T panukalang pondo para sa 2025, nasa kamay na ng Kamara

Pormal nang naisumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱6.352 trillion National Expenditure Program sa Kamara. Personal itong iniabot ni DBM Sec. Amenah Pangandaman at iba pang opisyal ng kagawran sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay 10.1% na mas mataas… Continue reading Higit ₱6-T panukalang pondo para sa 2025, nasa kamay na ng Kamara

DILG, bumuo ng inter-agency task force para tugunan ang oil spill sa Bataan

Bumuo na ng inter-agency task force ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para tugunan ang oil spill sa Lamao Point, Limay, Bataan. Inanunsyo ito ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council -Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa San Fernando, Pampanga. Ang… Continue reading DILG, bumuo ng inter-agency task force para tugunan ang oil spill sa Bataan