BAI, nilinaw na wala pang kumpirmasyon ang napaulat na Bird Flu Outbreak sa Tarlac

Wala pang natatanggap na opisyal na ulat ang Bureau of Animal Industry kaugnay sa bird flu outbreak sa Tarlac. Ayon sa BAI na wala pang confirmed laboratory results ang naiulat sa lugar. Naglabas ng pahayag ang ahensya kasunod ng ulat ng ilang media outlet na may bird flu outbreak sa Tarlac Ang huling naitalang confirmed… Continue reading BAI, nilinaw na wala pang kumpirmasyon ang napaulat na Bird Flu Outbreak sa Tarlac

NDRRM Fund para sa taong 2025, pinaglaanan ng P31-B

Bilang pagtugon sa patuloy pa ring epekto ng El Niño sa kabuhayan at ang banta ng mga paparating pang kalamidad gaya ng bagyo, pinaglaanan ng DBM ng P31 billion ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa taong 2025. Bukod pa sa halagang ito ang P1 billion na People’s Survival Fund o taunang… Continue reading NDRRM Fund para sa taong 2025, pinaglaanan ng P31-B

7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at nagtangka pang manuhol sa mga operatiba ng ahensya. Iniharap ni NBI Dir. Jaime Santiago sa media ang pitong suspek na sina Sun Jie, Lee Ching Ho, Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jangua, Yuan Bien at Shap Wen Hu… Continue reading 7 Chinese nationals na sangkot sa credit card fraud at panunuhol, inaresto ng NBI

Higit ₱200-B pondo, ipinapanukala para sa flood control projects sa 2025

Papalo sa mahigit ₱200 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa flood control at mitigation para sa susunod na taon. Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program na isinumite ng DBM sa Kamara, pinaglaanan ng ₱254.3 bilyon ang Flood Management Program ng DPWH. Gagamitin ito sa konstruksyon, maintenance at rehabilitasyon ng 1,903 flood mitigation… Continue reading Higit ₱200-B pondo, ipinapanukala para sa flood control projects sa 2025

NHA, namahagi ng mahigit 200 pabahay sa Mindanao

Kabuuang 233 housing units ang ipinamahagi ng National Housing Authority sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Tagum City, Davao Del Norte at Glan sa Saranggani Province. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, 200 pamilya ang nakatanggap ng housing units mula sa Masandag Tribal Village Phase 1 at 2 ng NHA. Ginawa ang proyekto sa ilalim… Continue reading NHA, namahagi ng mahigit 200 pabahay sa Mindanao

Seguridad sa Kampo Aguinaldo, hinigpitan kasunod ng 2+2 Ministerial Consultation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ngayong araw

Nagsimula nang maghigpit ng seguridad sa Kampo Aguinaldo ngayong araw kasunod ng isasagawang 2+2 Ministerial Consultations sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Amerika. Batay sa abiso ng Department of National Defense (DND), suspendido ang camp access para sa mga sibilyan gayundin ang lahat ng transaksyon sa loob ng kampo. Suspendido rin ang lahat… Continue reading Seguridad sa Kampo Aguinaldo, hinigpitan kasunod ng 2+2 Ministerial Consultation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ngayong araw

Sako-sakong basura, nahakot sa isinagawang clearing ops ng DENR sa Brgy. Tumana, Marikina City

Santambak na basura ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos ang ikinasa nilang clearing operations sa Brgy. Tumana sa Lungsod ng Marikina. Partikular na sinuyod ng DENR ang creek kung saan, nahukay ang mga inanod na plastic, sanga ng puno, plywood, at iba pa na siyang nagpapuno sa… Continue reading Sako-sakong basura, nahakot sa isinagawang clearing ops ng DENR sa Brgy. Tumana, Marikina City

Agresibong rehabilitasyon ng mga watershed, panawagan

Umaapela ngayon si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles sa administrasyong Marcos na gawing prayoridad ang pagpapatupad ng agresibong rehabilitasyon ng watersheds ng bansa para makaiwas sa pagbaha. Aniya, ang nature o ang ating kalikasan ang unang depensa laban sa mga bagyo. Ngunit kung patuloy na makakalbo ang mga gubat natin lalo na ang mga… Continue reading Agresibong rehabilitasyon ng mga watershed, panawagan

OWWA, tumanggap ng ISO certification

Tumanggap ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng ISO 9001:2015 Certification na siyang itinuturing na ‘International Standard’ sa sistema ng Quality Management at nagsibilbing ‘framework’ ng mga organisasyon at ahensya para matiyak na naibibigay ang pinakamataas na antas ng kalidad ng serbisyo sa mga kliyente at publiko. Sa isang awarding ceremony sa isang Hotel sa… Continue reading OWWA, tumanggap ng ISO certification

Commander ng French Pegase 2024 Mission, bumisita sa Camp Aguinaldo

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Charlton Sean Gaerlan si French PEGASE 2024 Mission Commander Air Force Brigadier General Guillaume Thomas sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon. Ang PEGASE o Projection of a Heavy Air Package in Southeast Asia mission ay kasalukuyang nagtatanghal… Continue reading Commander ng French Pegase 2024 Mission, bumisita sa Camp Aguinaldo