PNP, kumasa sa ‘ultimatum’ na paharapin si Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado

Tinatanggap ng Philippine National Police (PNP) ang ibinigay na ultimatum ni Senate Presidet Pro Tempore Jinggoy Estrada na paharapin sa pagdinig ng Senado si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa loob ng dalawang linggo. Ito’y makaraang magbulalas ng kaniyang pagkadismaya ang senador dahil sa tumatagal na pagdinig hinggil dito ng Mataas na Kapulungan ay… Continue reading PNP, kumasa sa ‘ultimatum’ na paharapin si Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado

Mahigit 6,000 magsasaka ng niyog sa Caraga Region na apektado ng rhinoceros beetles, nabigyan ng interbensiyon ng PCA Caraga

Matapos masira ang mga pananim na niyog sa Caraga Region dahil sa  pananalasa ng super typhoon Odette sa taong 2021, walang patid na tulong ang ibinahagi ng Philippine Coconut Authority PCA-Caraga upang ma-control ang paglaganap ng nakakasirang rhinoceros beetles, o mas kilala sa tawag na “bakukang” Ang rhinoceros beetles ay dumarami sa mga nabubulok na… Continue reading Mahigit 6,000 magsasaka ng niyog sa Caraga Region na apektado ng rhinoceros beetles, nabigyan ng interbensiyon ng PCA Caraga

Nakatakdang Metro Manila Shake Drill ngayong araw, kanselado

Kanselado na ang dapat sana’y Metro Manila Shake Dril na gagawin ngayong araw ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Batay sa inilabas na abiso ng MMDA, ito’y upang bigyang daan ang nagpapatuloy na paglilinis at pagsasaayos ng mga pinsalang tinamo ng ilang bahagi ng Kamaynilaan dulot ng habagat at bagyong Carina. Magugunitnang layunin ng… Continue reading Nakatakdang Metro Manila Shake Drill ngayong araw, kanselado

Panukala na magpapahintulot sa paggamit ng medical cannabis, lusot na sa Kamara

Tuluyan nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill 10439 o Medical Cannabis Law. Sa ilalim nito, gagawing ligal para sa mga kuwalipikadong pasyente ang paggamit ng medical cannabis. Itatatag rin nito ang Medical Cannabis Office (MCO) na siyang maglalatag ng regulasyon kaugnay ng pag-angkat, pagtatanim, paggawa, pagtatago, distribusyon, at pagbebenta ng medical cannabis ng… Continue reading Panukala na magpapahintulot sa paggamit ng medical cannabis, lusot na sa Kamara

Karagdagang $1-M humanitarian assistance para sa mga sinalanta ng bagyong Carina at habagat, ipinaabot ng Estados Unidos sa Pilipinas

Nagpaabot ng pakikiramay sina United States Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa mga biktima ng nagdaang kalamidad dulot ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina. Sa pulong-balitaan matapos ang 2+2 Ministerial Dialouge sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa Kampo Aguinaldo kahapon, inanunsyo ni Blinken na magpapaabot… Continue reading Karagdagang $1-M humanitarian assistance para sa mga sinalanta ng bagyong Carina at habagat, ipinaabot ng Estados Unidos sa Pilipinas

Pag-aksyon ng MMDA sa decloging ng mga pumping stations at solution sa basura, ikukunsidera sa budget deliberation ng ahensya

Hiniling ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na agarang nitong aksyunan ang problema ng basura na bumabara sa mga pumping stations upang hindi na maulit pang muli ang malalang pagbaha sa Metro Manila. Ayon kay Co na vice chair ng House Committee on Health and… Continue reading Pag-aksyon ng MMDA sa decloging ng mga pumping stations at solution sa basura, ikukunsidera sa budget deliberation ng ahensya

‘Provisional Understanding’ ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, welcome sa Estados Unidos

Malugod na tinanggap ng Estados Unidos ang “Provisional Understanding” ng Pilipinas at China pagdating sa mga Rotation and Resupply Mission sa Ayungin Shoal. Ito ang inihayag ni US Secretary of State Antony Blinken sa pulong balitaan kahapon sa Camp Aguinaldo kasama si US Department of Defense Secretary Lloyd Austin III, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo,… Continue reading ‘Provisional Understanding’ ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, welcome sa Estados Unidos

Suporta sa Pilipinas, di magbabago ano man ang resulta ng eleksyon sa Estados Unidos

Photo courtesy of Department of National Defense

Hindi magbabago ang suportang ipinagkakaloob sa Pilipinas ano man ang maging resulta ng eleksyon sa Estados Unidos. Ito ang kapwa tiniyak ni US Secretary of State Antony Blinken at Department of Defense Secretary Lloyd Austin III sa Joint Press Conference sa Camp Aguinaldo kahapon, kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National… Continue reading Suporta sa Pilipinas, di magbabago ano man ang resulta ng eleksyon sa Estados Unidos

OFW Party-list, umaasa na lalagdaan na ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang Magna Carta for Seafarers

Binigyang halaga ni OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang isa sa kanyang legislative efforts—ang Magna Carta for Seafarers, na layong protektahan ang ating mga kababayang seafarer na bumibiyahe sa international waters. Kabilang ito sa mensahe ni Magsino sa ginanap na ikatlong taong anibersaryo ng Nueva Vizcaya OFW Association. Umaasa si Magsino na lalagdaan… Continue reading OFW Party-list, umaasa na lalagdaan na ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang Magna Carta for Seafarers