Limang mahahalagang proyekto ang inilunsad ngayong taon ng Philippine Port Authority para sa kapakinabangan ng mga byahero.
Ito ang magandang ibinalita ni PPA General Manager Jah Daniel Santiago kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkatatag ng ahensya.
Kabilang sa mga ito ang Law Enforcement Building sa Port of Currimao sa Ilocos Norte na isang state-of-the-art na pasilidad para sa mga tourist ship.
Nagagamit na rin ang PPA-PCG K9 Academy sa Pampanga na layuning magkaroon ng sariling pagsasaayos ng mga K9 dogs na magagamit sa seguridad sa mga pantalan.
Natapos na rin ang expansion ng Balanacan Port Project sa Marinduque na kayang mag serbisyo sa maraming byahero.
Na-upgrade na rin ang 2 storey Tubigon Port Passenger Terminal Building sa Bohol na kayang mag serbisyo ng 1,000 pasahero kada araw.
Nakumpleto na rin ng PPA anv Cruise ship Port sa Dapa Surigao del Norte na komokonekta sa Maritime at economic prosperity sa Siargao.
Bukod sa mga mahahalagang proyekto, naitala din ng PPA ang pang-apat na pwesto sa may malaking dividend remittance na mga contributors sa hanay ng mga Government Owned and Constrolled Corporation.
Ang PPA ay naitatag noong 1974 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 505 ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr na layuning magbigay ng supesyenteng serbisyo para sa maginhawa at maayos na byahe sa mga pantalan sa bansa. | ulat ni Michael Rogas