Nilagdaan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang isang kasunduan kasama si Maguindanao Del Norte Governor Abdulraof Macacua para sa sabayang pagpapatupad ng Localizing Normalization Implementation (LNI) initiative na nagkakahalaga ng ₱15 milyong piso.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU), ang kasunduan ay naayon sa commitment ng pambansang pamahalaan na maghatid ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng mas malawak na papel ang local government unit sa Normalization Program program para sa dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants at sa kanilang komunidad, upang matukoy ang mga programa at proyekto na pinaka-angkop sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Nagpasalamat si Gov. Macacua sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Sec. Galvez, at sa mga miyembro ng Government Peace Implementing Mechanisms sa kanilang patuloy sa suporta sa pag-unlad ng lalawigan.
Sinabi naman ni Sec. Galvez na ang kasunduan ay isang natatanging paraan para mas mapaigting ang kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan at sa kabuuan ng Bangsamoro. | ulat ni Leo Sarne
📸: OPAPRU