85% ng PNP, pina-deploy ng PNP Chief sa ‘field duty’ para sa ‘public safety’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang pag-deploy ng 85 porsyento ng pwersa ng PNP sa “field duty”.

Ito’y para tiyakin ang seguridad ng publiko, kasabay ng pagpapatupad ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, iligal na armas, at private armed groups (PAG) bilang paghahanda para sa 2025 Elections.

Kugnay nito, pinaalalahan ni Gen. Marbil ang lahat ng pulis na iwasang mag-moonlight bilang private bodyguard, para sila ay laging “available” na rumesponde sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong.

Binigyang-diin ng PNP Chief, na “public safety” ang prayoridad ng mga pulis.

Para pangalagaan naman ang publiko sa mga “cyber threat” inanunsyo din ni Gen. Marbil na naglunsad ang PNP ng pinalawig na kampanya laban sa cybercrime, kung saan maglalalaan ng mas maraming “resources” ang PNP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us