Hindi naging hadlang ang Bagyong Carina sa PNP Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na miyembro ng sindikato na sangkot sa “vishing scam” kagabi sa Cavite.
Sa ulat ni ACG Acting Director Police Brig. General Ronnie Francis M. Cariaga, nagpatupad ang mga tauhan ng ACG Cyber Response Unit (CRU) ng dalawang Warrants to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) laban sa pangunahing suspek sa kanyang opisina sa General Trias at bahay sa Trece Martires, Cavite, bandang alas-9 kagabi.
Dito’y naaresto ang babaeng pinaniniwalaang lider ng grupo na si alyas “Apol,” 34, kasama ang 8 iba pang miyembro ng sindikato.
Modus ng grupo na tawagan ang mga biktima at magpanggap na empleyado ng mga bangko para makakuha ng impormasyon tungkol sa bank account ng mga biktima.
Narekober sa mga suspek ang registered SIM cards, Information and Communication Technology (ICT) devices, at samu’t saring dokumento na naglalaman ng bank at credit card information.
Nanawagan naman si PBgen. Cariaga sa publiko na ipagbigay-alam sa ACG kung sila ay naging biktima ng ‘vishing scam’, upang agad maaksyunan. | ulat ni Leo Sarne
📷: ACG