All systems go na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez na naihanda nila ang ‘grand stage’ para sa isa na namang makasaysayang presidential address.
“The anticipation within the hallowed halls of this august chamber is palpable as we stand ready to hear and appreciate the accomplishments of the Marcos administration. It fills me with immense pride to recognize the significant role that the House of Representatives has played in crafting legislation and policies that promote the welfare of all Filipinos. We are excited for the President’s SONA because we know he has many positive developments to share with the nation,” sabi ni Speaker Romualdez.
Handa na rin aniya ang mga mambabatas na pakinggan hindi lang ang mga napagtagumpayan ng administrasyong Marcos kundi maging ang mga susunod na plano at hakbang at atas sa Kongreso para maisakatuparan ang mga programa ng pamahalaan para sa mga Pilipino.
“And we, at the House of Representatives, are united with the President in his desire to advance the many reforms and programs he will announce during the SONA. This is a time for unity, and we fully support our President,” saad ni Romualdez.
Maging si House Secretary General Reginald Velasco sinegundahan ang pahayag ng House Speaker at sinabi na handa na ang kamara para tanggapin hindi lang ang Pangulo ngunit maging ang mga senador sa pangunguna ni Senate Presidente Chiz Escudero, cabinet members at mga dignitaries.
“I’m happy to report that the House of Representatives is ready, willing, and able to welcome all the guests to this third SONA of the President,” sabi ni Velasco.
Tiniyak din ni House Sergeant-at-Arms retired Police Maj. Gen. Napoleon Taas na nakapaglatag na ng detalyado security arrangements para sa mapayapa at maayos na pagdaraos ng SONA katuwang ang iba pang security agencies. | ulat ni Kathleen Forbes