Nasa 160,000 metric tons pagtaas sa produksiyon ng bigas sa Region 6 ang inaasahan sa sa sandaling mag-operate na ang Jalaur dam sa Iloilo.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng ginawa nitong pagpapasinaya sa Jalaur dam na aniya’y pinakamalaking water reservoir project Labas ng Metro Manila.
Ayon sa Pangulo, ang projected 160,000 metric tons ng pagtaas sa rice production ay 20 percent ng annual rice requirement ng Region 6.
Nasa may 25 libong mga magsasaka sabi ng Chief Executive ang makikinabang sa nasabing water reservoir project na ginugulan ng 20 bilyong piso.
May kakayahan din aniya itong makapag- produce ng 86 milyong litro ng tubig kada araw na magagamit for commercial at industrial use ng mga taga Iloilo at kalapit na mga munisipalidad. | ulat ni Alvin Baltazar