Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy ang pagtaas –QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinaalalahanan ng Quezon City government ang publiko  sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue sa lungsod.

Mula noong Hunyo 23 hanggang Hulyo 6 ,2024, nakapagtala ang Quezon City ng 138 na kaso ng dengue.

Ayon sa Quezon City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, napansin ang biglang pagtaas ng sakit sa loob lang ng isang buwan, mula noong Hunyo 9 hanggang Hulyo 6.

Bagama’t walang naiulat na namatay sa panahong ito, nasa 64% ang itinaas nito kung ikukumpara sa nagdaang dalawang linggo na may 84 na kaso, mula Hunyo 9 hanggang 22.

Sa kabuuan, mula Enero 1, 2024 hanggang Hulyo 10, 2024, nasa 1,504 na ang kaso ng dengue sa Quezon City at 3 ang naiulat na namatay.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us