May mga lugar pa sa Valenzuela City ang hindi madadaanan ng mga sasakyan dahil sa tubig baha.
Sa ulat ng Valenzuela City LGU ngayong umaga, hanggang ngayon, mula 16 na pulgada hanggang tuhod ang tubig baha sa bahagi ng Pasolo Road, gayundin sa Rivera St sa Polo na aabot pa sa 28 pulgada ang lalim ng baha.
Ang iba pang lugar na hindi pa passable sa light vehicles ay ang Dulong Tangke St. sa Malinta.
Humupa naman na ang baha sa Tagalag Road at Rincon Road.
Ang kahabaan naman ng Mc Arthur Highway mula Tullahan hanggang Don Pedro Subd. sa Marulas ay passable na sa lahat ng uri ng sasakyan.
Gayundin ang J.P. Rizal hanggang Valenzuela Town Center, Alert Center Malinta hanggang Balubaran, BDO Dalandanan at BRT Dalandanan, Wilcon Dalandanan hanggang Stop Light Dalandanan at Valenzuela Cockpit.
Humupa na rin ang tubig baha sa bahagi ng Maysan-Paso De Blas-NLEX at Bagbaguin.
May tubig baha pa rin sa Pariancillio Villa Road at P. Deato Road pero nadadaanan na rin ito ng mga sasakyan.
Samantala, nabawasan na ang mga pamilya sa evacuation centers sa lungsod, sa ngayon ay nasa 1,932 na pamilya o 7,369 indibidwal na lamang ang natitira. | ulat ni Rey Ferrer