Balete tree sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City, idineklara ng DENR bilang heritage tree

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang balete tree na tinatayang nasa pitong dekada na sa Maybunga Rainforest Park sa Lungsod ng Pasig ang idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang Pamanang Puno o “heritage tree.”

Ito na ang ika-42 puno na idineklara ng DENR-NCR bilang heritage tree, at ika-apat naman sa lungsod.

Photo courtesy of Pasig LGU

Pinangunahan ni Mayor Vico Sotto ang deklarasyon at pag-unveil ng heritage tree marker.

Ayon kay Mayor Sotto, ang heritage tree ay magsisilbing paalala sa bawat Pasigueño na pangalagaan ang kalikasan.

Sa panig naman ni DENR NCR Regional Director Michael Drake Matias, sinabi nitong ang naturang deklarasyon ng kahalagahan ng puno ay hindi lamang sa kapaligiran kung hindi maging sa kasaysayan ng isang lugar.

Ang programa para sa deklarasyon ng heritage tree ay bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024. | ulat ni Diane Lear

Photos: Pasig PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us