Pormal nang binuksan kahapon ang isang-buwang “Exercise Carabaroo” ng Philippine Army at Australian Army sa Darwin, Northern Territory, Australia kahapon.
Ang 125-miyembrong delegasyon ng Philippine Army ay pinamumunuan ni Governance and Strategy Management Office (GSMO), 5th Infantry Division (GSMO, 5ID) Chief Col. Jesus C. Pagala.
Kabilang sa delegasyon ang mga piling tauhan mula sa 5th Infantry Division, Training and Doctrine Command, Army Artillery Regiment, Army Signal Regiment, Army Support Command, Special Forces Regiment (Airborne), First Scout Ranger Regiment, at Combat Engineer Regiment.
Kasama din sa pagsasanay na hosted ng ang 1st Brigade ng Australian Army, ang Army at Marine contingents mula sa United States, United Kingdom, at Timor Leste.
Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang Pilipinas at Australia ay may mahabang kasaysayan ng kooperasyong pandepensa na kinatatampukan ng paglagda ng dalawang bansa ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) noong Mayo 2007. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Phil. Army