Nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang certificates of condonation o ang patunay na binubura na ng national government ang utang ng nasa 3,500 agrarian reform beneficiaries sa Region I.
Sa kaganapan sa Pangasinan ngayong hapon (July 19), sinabi ng Pangulo na nasa P50 million ang halaga ng utang ng mga magsasaka sa Region I ang pinawalang bisa na ng pamahalaan.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region II, at Region III, nasa higit 70,000 condonation certificates naman ang ipamamahagi na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P3 billion na utang ang hindi na pababayaran ng pamahalaan sa mga magsasaka.
Sabi ni Pangulong Marcos, sumisimbolo ito sa katuparan ng pangako ng administrasyon na burahin ang utang ng agrarian reform beneficiaries.
“Ang pamamahagi ngayong araw ng mga condonation na ito ay isang mahalagang hakbang-pasulong sa ating paglalakbay tungo sa hustisyang agraryo. Kaisa ninyo kami sa inyong mga hangarin, at kami ay tapat sa pangakong susuportahan at palakasin kayo sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan