Ititigil pansamatala ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang operasyon nito ng lahat ng clamping at towing operation na isinasagawa nito sa lungsod sang-ayon sa utos ng bagong talagang Officer-In-Charge nito na si Narciso Diokno III.
Ayon kay Diokno, ang desisyon ay bunga ng maraming reklamo at upang mas mapaglingkuran ang interes ng publiko.
Layunin ng suspensyon na tugunan ang mga umiiral na isyu at alalahanin patungkol sa clamping at towing operation sa lungsod Maynila.
Nagbigay din ng babala si Diokno na may kahihinatnan ang mga sadyang susuway sa direktiba. | ulat ni EJ Lazaro