Nakiisa ang Philippine Army sa pagsulong ng “Clean energy” sa kanilang Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig sa pamamagitan ng pagbili ng 10 electric trike para sa transportasyon sa loob ng kampo.
Pinangunahan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang pormal na pagtanggap ng naturang mga E-trike mula kay BEMAC Electric Transportation Philippines Inc. President, Mr. Shuhei Aoyama sa Army Headquarters nitong Lunes.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Lt. Gen. Galido ang suporta ng Philippine Army sa long-term energy strategy ng pambansang pamahalaan na isulong ang “clean and green energy technologies.”
Ayon kay Lt. Gen. Galido, ang paggamit ng mga E-trike ay isang “environmental investment” na makakabawas sa polusyon at “carbon emissions” sa loob ng kampo. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Phil. Army