Inenganyo ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pribadong sektor na tumulong sa pagtuklas ng mga “creative solution” para pondohan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Ang panawagan ay ginawa ng kalihim sa mga Business executive at managers sa Management Association of the Philippines (MAP) General Meeting kahapon.
Paliwanag ng kalihim, malaking pondo ang kailangan para mapalakas ang depensa ng bansa, pero kailangan din balansehin ng pamahalaan ang budget sa ibang mahahalagang gastusin tulad ng edukasyon, imprastraktura, social Sevices at iba pang prioridad.
Kaya kailangan aniya ng solusyon para makayanan ng pamahalaan ang gastusin para sa depensa na kakaiba sa kasalukuyang modelo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kung saan nanggagaling ang pondo mula sa pinagbentahan ng lupa ng gubyerno.
Bibigyang diin ni Teodoro na lubhang mahalagang mapalakas ang depensa ng bansa sa gitna ng “geopolitical problems” sa buong mundo, partikular sa West Phil. Sea. | ulat ni Leo Sarne