Inaasahan nang tataas ang produksyon ng palay sa bansa matapos pasinayaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang P19-B sa Jalaur Dam sa bayan ng Calinog sa Iloilo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahigit tatlong daang metric tons ang posibleng maitala sa rice production sakaling simulan na ang operasyon ng dam.
Sinabi ng kalihim na may dalawamput limang libong magsasaka at kanilang pamilya ang inaasahan nang magbebenepisyo dito.
Aabot din sa 31,840 ektaryang palayan, ang mapapatubigan ng naturang dam sa nabanggit na lalawigan.
Sabi pa ni Laurel, sa sandaling tumaas ang produksyon ng palay sa bansa makakatulong ito upang mas lalong bumaba ang presyo ng bigas sa merkado. | ulat ni Rey Ferrer