Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa pagdedeklara ng Metro Manila Council (MMC) ng State of Calamity sa buong National Capital Region (NCR) ngayong hapon, dahil sa matinding epekto ng bagyong Carina at ng Habagat.
Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, na itinatampok ng hakbang ang kahalagahan ng mas mahusay na pagtugon sa sakuna at “resource allocation”.
Tiniyak naman ni Col. Fajardo, na committed ang PNP na palakasin ang kanilang kakayahan sa humanitarian assistance, evacuation procedures, at overall emergency response efforts.
Kasalukuyan aniyang naka-deploy ang mga tauhan ng PNP sa Metro Manila at iba pang apektadong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Payo ng PNP sa publiko na manatiling “informed” sa pagsubaybay sa mga “official channel”, sumunod sa mga abiso, at makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad. | ulat ni Leo Sarne