DepEd, ikinalugod ang pagkakatalaga kay Sen. Sonny Angara bilang bagong kalihim ng kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Education (DepEd) ang pagkakatalaga kay Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim ng kagawaran.

Ito ay matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Sen. Angara bilang bagong kalihim ng DepEd na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng DepEd sabik itong makatrabaho ang bagong liderato ng ahensya tungo sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng basic education sa bansa.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si VP Duterte bilang kalihim ng DepEd at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong June 19 na magiging epektibo sa loob ng 30 araw o sa July 19. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us