Ikinakasa na ng Lokal na Pamahalaan ng Bayombong sa Nueva Vizcaya ang pagtatayo ng proyektong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan na sa pagitan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at Bayombong LGU para sa proyekto.
Ayon kay DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, handa silang magbigay ng technical assistance para maisakatuparan ang housing plans ng LGU.
Sa panig ni Bayombong Mayor Antonio Sergio Bagasao, sa tulong ng DHSUD, matutugunan na ang pangangailangan sa pabahay ng munisipalidad para sa mahihirap na mamamayan. | ulat ni Rey Ferrer