Drug-free certification, iginawad ng PDEA Region-9 sa munisipyo ng Dumingag sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang ipinagkaloob ni PDEA-9 Regional Director Maharani Gadaoni-Tosoc ang Drug-Free Workplace Certification sa Lokal na Pamahalaan ng Dumingag sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ito ay sa kasagsagsan ng simpleng seremonya na ginanap sa Dumingag Municipal Hall noong Hulyo 1 nitong taon.

Ayon kay RD Tosoc, ang paggawad ng sertipiko ay katibayan ng pagiging “healthy working environment” ng Dumingag LGU.

Ito ay bunga aniya ng walang patid na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na masugpo ang paggamit ng iligal na droga sa iba’t ibang mga tanggapan ng munisipyo.

Dahil dito, pinuri ni RD Tosoc ang lokal na pamahalaan ng Dumingag sa pagpupunyaging masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa buong bayan.

Masaya namang tinanggap ni Dumungag Mayor Gerry Paglinawan, kasama ang mga opisyal ng LGU, ang naturang sertipiko. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga

📸 PDEA Regional Office-9

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us