DSWD, nabigay ng tulong pangkabuhayan sa mga katutubo sa Bukidnon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pangkabuhayan sa mga katutubo sa lalawigan ng Bukidnon.

Pinangunahan ni DSWD Undersecretary Alan Tanjusay ang pagbibigay ng tseke na nagkakahalaga ng P450,000 sa 30 opisyal at miyembro ng Luyungan Kauyagan ZH Sustainable Livelihood Program (SLP) Association.

Ang nasabing halaga ay gagamitin ng mga miyembro, na kinabibilangan ng mga Higaunon, Talaandig, Umayamnon at Matigsalog, upang magsimula ng negosyo sa pag-aalaga ng manok at produksyon ng itlog.

Ayon kay Undersecretary Tanjusay, ang tulong pinansyal na ito ay bahagi ng programa ng DSWD na tulungan ang mga dating rebelde at mga biktima ng armed conflict na magkaroon ng maayos na kabuhayan.

Bukod sa tulong pinansyal, binigyan din ng pagsasanay ang mga katutubo sa organization development, leadership, micro-enterprise development at financial literacy upang masiguro ang tagumpay ng kanilang negosyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us