Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-7 sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha sa Cebu.
Pinangunahan ng Disaster Response Teams at Municipal Action Teams (MATs) ng DSWD FO-7 ang profiling at assessment ng mga apektadong residente gayundin ang pagbibigay ng technical assistance sa pamamahala ng evacuation center, at pangangalaga sa mga pansamantalang nanunuluyan sa Liloan Central School.
Sa ngayon, may 37 pamilya o 135 indibidwal ang nananatili sa evacuation center.
Nagsagawa na rin ng assessment ang DSWD Field Office team sa mga munisipalidad ng Carmen at Catmon, upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pag-ulan.
Tiniyak ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, na may sapat na suplay ng family food packs (FFPs) ang Visayas Disaster Resource Center (VDRC) at DSWD Field Office-7 para sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Diane Lear