Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangang residente ng Leyte.
Nasa 3,167 qualified beneficiaries ang napagkalooban ng tulong pinansyal at bigas sa pamamagitan ng dalawang programa na isinulong ng pamahalaan.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, atas mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi magpahinga sa pagpapaabot ng kinakailangang tulong ang pamahalaan.
Kinatawan ni Atty. Mark Stephen Reyes – District Chief-of-Staff ang House Speaker sa pagpapatuloy ng CARD at TUPAD program.
Nasa 1,167 na Leyteño ang nakatanggaap ng P5,000 cash aid at P1,000 halaga ng bigas sa ilalim ng CARD program.
Katuwang naman ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment, namahagi rin si Reyes ng P4,100 na cash aid sa may 2,000 TUPAD beneficiares.
Sa pamamagitan ng dalawang programa na ito ay matutulungan aniya ang mga kabilang sa vulnerable sector ng lipunan na hirap sa gastusin. | ulat ni Kathleen Forbes