May humigit-kumulang 7,305 na pamilya at 22,682 indibidwal ang nailikas na sa iba’t ibang evacuation centers sa Quezon City.
Dahil pa rin ito sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa kanilang mga lugar.
Pinakamaraming inilikas ay mula sa District 4 na aabot sa 1,966 na pamilya o 7,099 katao; sunod ang District 2 na may 1,848 na pamilya o 7,765 indibidwal.
Sa ngayon, aabot na sa 154 evacuation centers sa iba’t ibang lugar sa lungsod ang inuokupahan ng mga inilikas na pamilya.
Ayon sa pinakahuling update mula sa PAGASA, nakataas sa red rainfall warning ang Metro Manila at mga karatig na lugar. | ulat ni Rey Ferrer