Personal na ipinamahagi ngayong araw (July 11) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang government assistance sa mga probinsya sa Southern Luzon.
Kabilang dito ang higit P24 million para sa provincial government ng Batangas, P17.4 million para sa Laguna, at P28.8 million sa Quezon.
Bukod pa dito ang tig P10,000 para sa 30 piling benepisyaryo mula sa tatlong probinsya.
“Panimula pa lang po ito. Sa pangunguna ng DA, mamamahagi tayo ng mga punla at pataba ng [mga] pananim tulad ng mais, palay, niyog, abaka, kalamansi, at iba’t ibang mga klase ng gulay. Magbibigay din po tayo ng ilang yunit ng traktora, hauling truck, combine harvester, rice thresher, grain collector bagger, corn husker sheller, hammer mill, forage chopper, cassava grater, at chipper.” – Pangulong Marcos Jr.
Ang Department of Agriculture (DA), namahagi rin ng fiber boats, mga binhi, fishing cages, at iba pang farm machineries.
“Para sa mga nag-aalaga ng hayop, magbibigay po tayo ng limampung kalabaw, ilang yunit ng hauling truck, at limang yunit ng Biosecured and Climate Controlled Finisher Operation Facility na nagkakahalaga ng mahigit dalawampu’t apat na milyong piso.” – Pangulong Marcos Jr.
Ang DSWD, DOLE, DTI, at TESDA, katuwang ng Office of the President sa pagbibigay ng tulong, training kits, at livelihood assistance sa mga residente sa lugar.
“Kasama rin po natin ang TESDA upang maghatid ng halos isang daang starter toolkits para sa mahigit pitong daang benepisyaryo ng Special Training and Employment Project, mga Certificates of Scholarship para sa higit tatlong libong benepisyaryo, at ‘yung Training Support Fund para sa lagpas dalawang daan at animnapung benepisyaryo.” -Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan