Maraming ikokonsidera ng Kamara oras na simulan ang pagtalakay sa panukalang pambansang pondo para sa taong 2025 ayon kay House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co.
Kasunod ito ng pormal na turnover ng DBM ng 2025 National Expenditure Program sa Kamara ngayong araw.
Paalala ng mambabatas hindi lang basta financial plan ang NEP bagkus ay magsisilbing istratehikong raodmap salig sa Philippine Development Plan 2023-2028 na nakatuon sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga Pilipino kasama ang paglikha ng mas maraming dekalidad na trabaho.
Oras naman aniya na sumalan na sa deliberasyon ang panukalang pondo kanilang ikokonsidera ang availability fiscal resources, kahandaan ng ipatupad ang programa at proyekto at kapasidad ng mga ahensya na gamitin ang naturang budget.
“We must ensure that every peso is directed towards initiatives that will uplift the lives of our fellow Filipinos, improve our infrastructure, strengthen our educational and healthcare systems, and secure our nation’s future,” giit ni Co.
Hinikayat naman ni Co ang mga kasamahang mambabatas na itaguyod ang transparency, accountability, at fiscal responsibility sa kabuuan ng budget deliberation upang masiguro na bawat sentimong ilalaan ay magagamit at mapapakinabangan.
“It’s crucial that we examine each allocation meticulously to ensure the most effective use of our resources….The road ahead is full of challenges, but with this proposed budget, we have a robust framework to guide our efforts,” sabi ni Co.
Nagpasalamat din si Co sa DBM sa pangunguna ni Sec. Amenah Pangandaman sa pasusing paghahanda ng NEP.| ulat ni Kathleen Forbes