Inanunsyo ng US Embassy sa Manila na dumating sa Pilipinas nitong Hulyo 8 ang 48 miyembro ng United States Peace Corps para sa dalawang taong pagsasagawa ng “volunteer work.”
Ito ang ang ika-281 batch ng US Peace Corps Volunteer na magseserbisyo sa mga lokal na programang pang-edukasyon, pang-kabataan, at pang-kalikasan sa iba’t ibang komunidad sa bansa.
Simula sa Setyembre ang mga volunteer ay gaganap ng iba’t tungkulin na ni-request ng mga “host community” sa Aklan, Antique, Batangas, Benguet, Bohol, Capiz, Cebu, Iloilo, La Union, Nueva Ecija, Oriental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, at Tarlac.
Kabilang dito ang pagtuturo ng ingles sa mga pampublikong paaralan, pagsisilbi bilang Youth development facilitator ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at accredited organizations, at pagtulong sa mga LGU sa marine conservation at resource management.
Ayon kay U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, layunin ng Peace Corps na isulong ang “World Peace and friendship” at ipinapakita ito sa pagsisilbi ng mapagkumbaba at may respeto sa mga Pilipinong kaibigan at “partner”. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of US Embassy