Ika-6 na Most Wanted Person sa Davao Region at kapwa akusado ni Quiboloy, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ngayon ng Davao City Police Office ang kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy dahil sa mga kasong Qualified Human Trafficking at Child Sexual Abuse.

Sa ulat na ipinarating sa Kampo Crame, kinilala ng Davao City PNP ang naaresto na si Pauleen Canada sa tahanan nito kahapon sa isang subdivision sa Davao City.

Nabatid na si Canada ay itinuturing na ika-6 na Most Wanted Person ng Police Regional Office 11 na may patong na ₱1 million na pabuya para sa kaniyang ika-aaresto.

Sinasabing nadakip si Canada matapos makakuha ng “tip” mula sa isang impormante hinggil sa kinaororoonan nito, dahilan upang agad silang nagkasa ng operasyon.

Kasalukuyang nananatili si Canada sa kustodiya ng Buhangin Police Station sa Davao City kung saan siya isinailalim sa documentation at tamang desposisyon.

Ngayong araw, inaasahan namang ilahad nila Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang iba pang detalye sa pagkakaaresto kay Canada. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us