Ilang kalsada sa Quezon City, sinuyod ng MMDA bilang paghahanda sa SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinuyod ng MMDA Special Operations Group-Strike Force ang mga pangunahing kalsada sa Quezon City.

Kabilang dito ang Commonwealth Avenue, IBP Road, Batasan Road, at C.P Garcia.

Layon ng operasyong ito na matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar, lalo na sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA.

Sa isinagawang clearing operations, hinatak ang mga sasakyang iligal na nakaparada at mga sagabal sa bangketa at kalsada.

Ang mga na-tow na sasakyan ay dinala sa MMDA impounding area sa Barangay Tumana, Marikina City.

Ayon sa MMDA, araw-araw nilang isasagawa ang operasyon papunta sa Batasang Pambasan hanggang sa araw ng SONA upang matiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan lalo pa’t inaasahang maraming dadalo rito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us