Lubog na sa tubig ang ilang bahay na malapit sa Marikina River.
Kabilang dito ang mga bahay sa Brgy. Sto. Nino sa Marikina City kung saan bubong na lamang ang makikita.
Sa harap na rin ito ng patuloy na pag-apaw ng Marikina River dahil sa malalakas na ulan na dulot ng habagat at pinaigting ng bagyong Carina.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue operations sa mga apektadong residente.
Sa bahagi naman ng Riverside Drive at Saint Mary Avenue sa Provident Village ay patuloy na ring tumataas ang tubig.
Mayroon na ring mga residenteng inilikas sa Concepcion Integrated School at Nangka Elementary School.
Sa ngayon umaabot na sa 20.7 meters ang lebel ng tubig ng Marikina River at nananatili ngayon ang 3rd Alarm. | ulat ni Diane Lear