Inaasahang madadagdagan pa ng isang mega dam project ang isla ng Panay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasunod ng inagurasyon ng Jalaur River Multipurpose Project II (JRMP II) sa Calinog, Iloilo, ipinabatid NIA Administrator Eduardo Guillen na sa 2026 inaasahan ang simula ng pagtatayo ng Panay River Basin Integrated Development Project (PRBIDP) sa Capiz.
Ang PRBIDP ay magkakahalaga ng tinatayang ₱25 billion at inaasahang magdadagdag rin sa water supply ng JRMP II.
Ayon kay Guillen, sa susunod na taon ay sisimulan din ng NIA ang pagkuha ng right of way at iba pang mga kinakailangang permit.
Naniniwala si Guillen na kung makakakuha sila ng contractor na may Quadruple A accreditation ay kayang kaya na makumpleto ang proyekto bago matapos ang termino ng pangulo sa 2028.
Sa oras na makumpleto, ang proyekto ay magiging solusyon sa pagbaha at magbibigay mg malaking supply ng tubig sa halos 20 bayan at lungsod sa Capiz at Iloilo. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo