Isinarang F. Manalo Bridge sa Pasig City, nagdudulot ng malaking abala sa trapiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang pasok ngayon sa mga klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Pasig City dulot ng epekto ng habagat at Bagyong Carina.

Ngunit kahit wala pa sa mga kalsada ang mga magulang at mag-aaral, magiging pahirap sa kanila ang pagsasara ng F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan sa Pasig. Ito ay boundary din ng Quezon City.

Nabatid na isinara ang naturang tulay matapos na magsalpukan ng mga inaanod na barge at tugboat noong kasagsagan ng bagyo.

Sa Amang Rodriguez Ave. ang bagsakan ng mga motorista galing Marcos Highway. Ang mga galing Rizal naman ay hindi na makadidiretso sa C5 Road at nag-eembudu na papalabas sa Ortigas Extension.

Ayon kay Pasig Traffic Enforcer Rodel Bacayan, nagsimula ang ganitong perwisyo sa trapiko simula nang tuluyang isara ang F. Manalo Bridge.

Samantala, sa pinakahuling update ni Pasig City Mayor Vico Sotto, may mga nawawala pang trabahador ang contractor ng barge na tumama sa nasabing tulay.

Sa ngayon, ayon sa Pasig LGU, mananatiling sarado ang F. Manalo Bridge upang bigyang-daan ang patuloy na pagsusuri ng pinsala sa tulay na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us