Magtatatag ng karagdagang Local Amnesty Board (LAB) ang National Amnesty Commission (NAC) para tumanggap at mag-proseso ng mga aplikasyon para sa Amnestiya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga dating rebelde.
Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento na nakapagtayo na ng 9 na LAB ang NAC sa suporta ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU).
Magtatayo pa aniya ng mga karagdagang LAB sa iba’t ibang lugar para maging mas madali sa mga miymebro ng CPP-NPA-NDF na mag-apply para sa amnestiya.
Hinikayat ni Armamento ang mga miymebro ng iba’t ibang rebeldeng grupo na samantalahin na ang pagkakataong ito dahil baka hindi na ito maulit.
Bukod sa mga miymebro ng CPP/NPA/NDF, bukas ang Amnesty program sa mga miymebro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), MILF, at MNLF. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU