Pinuri ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang Katarungan Caravan na pinangunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) sa pakikipagtulungan sa Public Attorney’s Office (PAO) at sa Legal Aid Society.
Ang naturang programa ang nagbibigay sagot sa mga pangangailangan ng mga persons deprived of liberty (PDLs).
Sa ilalim ng guidance ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at supervision ni Undersecretary Margarita Gutierrez, merong itinalagang 15 lawyers sa ilalim ng DOJAC na magbibigay ng legal services gaya ng drafting ng requests para sa mga qualified PDLs para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at parole, preparasyon ng indorsements to BuCor at iba pang katulad na serbisyo.
Ayon kay Catapang ito ay mag papalakas sa “Bilis Laya Program” ng administrasyong marcos at malaking tulong din para sa kanilang decongestion program.
Pinuri din ni Catapang ang naging kautusan ni remulla noong pebrero kung saan inatasan nito ang mga prosecutor ng mga criminal case na determinahin ang certainty of success o kaseguruhan ng pagkakapanlo ng kaso at kung hindi naman matitiyak ang conviction ay dapat agad mag sumite ang prosecutor ng karampatang motion para maiwithdraw ang kaso. | ulat ni Lorenz Tanjoco