Pinalakas ng Philippine Army at US Army ang kanilang kooperasyon sa larangan ng Cybersecurity.
Ito ay matapos bumisita ang delegasyon ng Hukbong Katihan sa U.S. Army Network Enterprise Technology Command (NETCOM) Headquarters sa Fort Huachuca, Arizona, U.S.A. noong Lunes.
Ang delegasyon ng Phil. Army na pinamunuan ni Col. Windell Frederick T. Rebong, Deputy G6 ng Philippine Army and staff ay malugod na tinanggap ni NETCOM Commanding General Major General Christopher Eubank.
Dito’y nagkaroon ng pagpapalitan ng kaalaman at “best practices” ang mga experto ng dalawang hukbo.
Ayon kay Col. Rebong, sa pamamagitan nito, mapapahusay ng dalawang hukbo ang mga hakbang sa cybersecurity at mas maprotektahan ang kani-kanilang mga asset. | ulat ni Leo Sarne
📷 U.S. Army’s Defense Visual Information Distribution Service