Nakatakdang magsagawa ng pag-iinspeksyon si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ngayong araw.
Ito’y para silipin ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dito, inaasahang magbibigay ng kaniyang last minute instructions ang PNP chief sa kaniyang mga tauhan para tiyaking magiging maayos at mapayapa ang buong araw na ito.
Isasagawa ang naturang inspeksyon ganap na alas-8 ng umaga sa Kampo Tomas Karingal sa Quezon City.
Una rito, inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na aabot sa 23,000 mga pulis at force multiplier ang siyang nakakalat na sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Metro Manila para bantayan ang sitwasyon.
Nakabantay na rin ang “Task Force Manila Shield” o ang mga puwersa mula sa Gitna at Katimugang Luzon para tiyakin naman ang seguridad para sa mga papasok at palabas ng National Capital Region. | ulat ni Jaymark Dagala