Nagpaabot ng libreng annual free medical at physical examination ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig sa mga guro at non-teaching personnel.
Libreng makukuha ang physical examination (PE), vital signs monitoring, chest X-ray, complete blood count (CBC), dental assessment, visual acuity check, clinical breast exam, Pap smear, at iba pang necessary diagnostic tests para sa early detection and treatment sa iba’t ibang sakit.
Ayon ay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layon ng naturang libreng medical at physical examination sa mga guro at non teaching staff ay masiguro na nasa maayos ang kalusugan ng mga pumapanday ng karunungan sa mga bawat batang Taguigeños para sa kanilang kinabuksan. | ulat ni AJ Ignacio