Pormal na nagbukas ang Luzon-National Capital Region (NCR) qualifying leg ng Philippine Reserve Officer Training Corps (ROTC) Games sa Cavite State University, Indang, Cavite kahapon.
Ang opening Ceremony ay dinaluhan ni Senator Francis N. Tolentino at Senator Robin C. Padilla kasama ang 1,800 ROTC cadets mula sa 118 kolehiyo at unibersidad sa Luzon at Metro Manila.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Sen. Padilla ang kahalagahan ng “sportsmanship” at pagkakaisa ng lahat ng kadete.
Sa kumpetisyon na tatagal hanggang sa Agosto 3, ay magpapaligsahan ang mga ROTC cadet sa iba’t ibang palaro, kabilang ang basketball, volleyball, arnis, boxing, kickboxing, athletics, at e-games.
Ang aktibidad na may temang “Husay ng ROTC, Husay ng Kabataan” ay naglalayong ma-develop ang abilidad sa palakasan ng kabataan, at isulong ang ROTC program. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos from Pfc Divino S. Lozano, OACPA