Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ang mabilis, tuloy-tuloy, at ganap na delivery ng lahat ng government assistance para sa mga pamilyang apektado ng flash floods sa Bangsamoro region, at iba pang lugar sa Mindanao.
“I have instructed the continued and complete delivery of all assistance to the families affected by the recent flash floods in BARMM and other areas in Mindanao.” —Pangulong Marcos.
Pahayag ito ng Pangulo, kasunod ng mga nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Base sa pinakahuling datos, umakyat na sa lima ang nasawi sa Mindanao dahil sa flash floods.
Ayon sa Pangulo, patuloy ang ginagawang assessment ng pamahalaan hinggil sa danyos na iniwan ng pagbaha, sa imprastruktura at agrikultura.
Magpapatupad aniya ang pamahalaan ng mabilis na rehabilitasyon, para sa mga apektadong kominidad.
“We are assessing the damage to the infrastructure and the agricultural industry and will implement a swift rehabilitation for the affected communities.” —Pangulong Marcos.
Base sa datos, hindi bababa sa 76 na residente na ang bahay ay partially damaged. Nasa 286 naman ang mga residente na ang bahay ay ganap na nawasak. Nakatanggap na ng tig-PhP5, 000 at PhP10,000 pesos na assistance ang mga ito.| ulat ni Racquel Bayan