Mahigit 10 sako ng basura, nakuha sa Manila Dolomite Beach

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglilinis sa Manila Baywalk Dolomite Beach.

Ito’y matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at hanging habagat nitong nakalipas na araw.

Pawang mga debris, plastic, at iba pang klase ng basura ang hinahakot ngayon kung saan nasa higit 10 sako at trash bag na ang kanilang nakukuha.

Bukod dito, masusi ring winawalis ang mga dolomite sand para mawala ang mga nakabaong basura at iba pang bagay upang maging pino muli ang artificial na buhangin.

Inaayos rin ang paligid at dalampasigan ng Dolomite Beach lalo na ang mga barrier o harang na nasira matapos ang kalamidad.

Bubuksan muli sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach sa darating na Lunes, July 29, 2024, alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. | ulat ni Mike Rogas

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us