Umabot na sa 60,841 na mga pamilya ang apektado ng pagbaha sa malaking bahagi ng Mindanao dulot ng southwest monsoon.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming apektado ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 46,812 pamilya.
Habang 8,220 pamilya naman sa Region 12; 3,207 na pamilya sa Region 9; 2,441 na pamilya sa Region 10; at 161 pamilya sa Region 11.
Sa bilang na ito, 4,767 ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Samantala, isang nasawi na ang kumpirmado dahil sa pagbaha habang isa pa ang biniberipika. | ulat ni Diane Lear