Kinumpirma ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) na aabot sa P10.2 milyong halaga ng iligal na droga ang kanilang nasabat.
Ito ay sa ikinasa nilang buy-bust operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, Philippine Drug Enforcement Agency, at Manila Police District Station 3 sa Arlegui St., Brgy. 378 sa Quiapo, Maynila kaninang dakong alas-3 ng hapon.
Kasunod nito, dalawang drug personality ang naaresto sa naturang operasyon na kinilala lamang sa mga alyas na Jojo at Nacer Datu Jaber.
Nakuha mula sa kanila ang nasa 1 kilo ng hinihinalang shabu na may standard price na Php 6.8 million at 13 maliliit na sachet ng shabu na nasa kalahating kilo (500g) ang timbang at may standard price na Php 3.4 million
Nakuha rin sa kanila ang iba’t ibang armas at bala gaya ng cal. 9mm browning pistol, cal.45 colt commander, mga magazine at ang drug buy-bust money.
Gayundin ng mga cellphone, weighing scale, mini burner at iba pa.
Dinala na ang mga naaresto sa tanggapan ng PDEG Special Operations Unit-NCR sa Kampo Bagong Diwa sa Taguig City, kung saan sila’y nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Habang dinala naman sa PNP Forensic Group sa Kampo Crame ang mga nakumpiskang iligal na droga para isailalim sa pagsusuri. | ulat ni Jaymark Dagala