Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group ang aabot sa 700g ng Marijuana gayundin ang nasa 100 tablets ng hinihinalang ecstasy.
Ito’y matapos ang ikinasa nilang operasyon kaninang 5:50 AM sa bahagi ng Service Road, Roxas Boulevard sa Pasay City
Batay sa ulat ni PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso ang mga nasabat na iligal na droga kung ang pagbabasehan ay ang pagtaya ng Dangerous Drugs Board.
Isang lalaki naman ang naaresto sa operasyon na ngayon ay nasa kostudiya na ng kanilang Special Operations Unit – National Capital Region at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Habang dinala na sa PNP Forensic Group sa Kampo Crame ang mga nasabat na iligal na droga para isailalim sa laboratory examination. | ulat Jaymark Dagala