Malabon LGU, nagbabala sa paggamit ng mga pekeng PWD ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon laban sa paggamit ng mga pekeng persons with disability (PWD) ID.

Ginawa ang babala matapos makatanggap ng ulat ang Malabon Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na patuloy ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs na nagdudulot ng pang-aabuso at kawalan ng tiwala sa kanilang sistema.

Ayon sa Malabon LGU, hindi sila nagre-release sa pamamagitan ng online ng mga PWD ID. Hindi rin anila nagpapabayad ang Malabon Persons with Disability Affairs Office sa pagbibigay ng nasabing ID.

Paalala rin ng lokal na pamahalaan, na huwag maniwala sa mga naglalakad o may kakilala sa Malabon Persons with Disability Affairs Office upang makakuha ng PWD ID at nanghihingi pa ng bayad.

Dagdag pa ng Malabon LGU, na ang maling paggamit ng PWD ID ay may kaukulang parusa sa ilalim ng batas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us