Sumailalim sa maingat na konsiderasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-veto sa propose PNP Reform bill upang masiguro na anumang pagbabago sa police force ng bansa ay patas, malinaw, at beneficial sa lahat.
“Some parts of the bill are unclear, particularly regarding retroactive benefits for officers. The bill should avoid any confusion and ensure consistent application of rules.” — Sec Bersamin.
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, makaraang hindi pirmahan ng Pangulo ang panukala, na magpapahintulot sana sa pagbabago sa sweldo ng mga pulis na posibleng magresulta ng hindi pagiging patas sa mga police officer.
“The President believes it is essential to maintain fairness and equality in compensation for all members of the PNP.” — Secretary Bersamin.
Bukod dito, nakapaloob kasi sa batas ang pagbuo ng bagong mga tanggapan sa loob ng PNP, na posible aniyang maging sanhi ng hindi naman kinakailangan ng tanggapan o pagka-ulit ng mga trabaho.
Bagay na taliwas sa isinusulong na streamlining ng administrasyon sa government services.
“Additionally, the bill creates new offices within the PNP, which could lead to unnecessary bureaucracy and inefficiency. Our administration’s goal is to streamline operations, not complicate them. Furthermore, adding more liaison offices could pose security risks. The current structure already provides robust oversight and coordination.” — Secretary Bersamin.
Bukod dito, mahalaga aniya na ang Internal Affairs Service (IAS), na responsable sa pag-iimbestiga ng police misconduct, ay dapat na manatiling independent at impartial. Ang isinusulong na pagbabago sa panukala ay posibleng makaapekto dito.
“The proposed changes could compromise this vital independence.” — Secretary Bersamin.
Pagsisiguro ng kalihim, ang Marcos administration ay nananatiling nakatindig sa commitment nito na suportahan ang PNP, at siguruhin na ang mga ipatutupad na reporma sa hanay nito ay patas at epektibo.
“The administration continues to work closely with Congress to develop better legislation that strengthens our police force without causing any negative side effects. We continue to strive to improve our country’s police force in the best way possible.” — Sec Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan