Mahigpit ang bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa kaniyang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon.
Ito’y kasunod ng mga ikinasang programa ng iba’t ibang grupo kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa kaniyang pag-iinspeksyon sa mga tropa ng Pulisya sa Commonwealth Avenue, binigyang diin ng PNP Chief na hindi nila hahayaang masaktan ang kanilang mga Pulis.
Ipinangako niya sa mga ito na sakaling masaktan ay sasagutin nila ang pagpapagamot sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala