Asahana pa ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat sa Metro Manila at Tarlac ngayong hapon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nararanasan na ang mga pag-ulan sa Zambales, maraming lugar sa Quezon Province, Batangas, Cardona, Binangonan, at Jala-Jala sa Rizal.
May mga pag-ulan na din sa Pakil sa Laguna, maraming lugar sa Cavite, Bataan, Bulacan at Candaba sa Pampanga.
Sabi pa ng PAGASA, maaaring tumagal ang mga pag-ulan sa loob ng 2 oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.
Dahil dito, pinapayuhan ang lahat na mag-ingat laban sa epekto ng pag-ulan tulad ng flash floods at landslides. | ulat ni Rey Ferrer