Iniulat ng National Amnesty Commission na 578 aplikasyon para sa Amnestiya ng Pangulo ang kanilang natanggap sa pamamagitan ng mga Local Amnesty Board hanggang noong Hulyo 12.
497 sa mga ito ay mula sa mga dating miymebro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPPNPA- NDF).
2 aplikante naman ang mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB); 33 ang mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), at 46 ang mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).
Inaasahan ng NAC na sa pagtatayo ng 10 pang LAB na pandagdag sa kasalukuyang 9, upang maging mas “accessible” sa mga interesado sa amnestiya, ay dadami pa ang mga aplikante.
Tiniyak naman ng NAC na magiging patas at maingat ang kanilang pag-evaluate sa mga aplikasyon bago irekomenda sa Pangulo para aprubahan.
Muling inanyayahan ng NAC ang mga dating rebelde na kwalipikado sa amnestiya na samantalahin na ang pagkakataon na ipinagkaloob ng Pangulo para makiisa sa sambayan sa “Bagong Buhay sa Masagana at Bagong Pilipinas.” | ulat ni Leo Sarne